What's on TV

Elle Villanueva, nakuha ang kanyang first lead role sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published June 4, 2021 11:33 AM PHT
Updated June 4, 2021 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


Abangan ang first lead role ni Elle Villanueva sa upcoming brand new episode ng '#MPK.'

Masaya daw si Kapuso actress Elle Villanueva nang makuha ang kanyang first lead role sa isang brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Dating may stable na corporate job si Elle bago pumasok sa pag-aartista.

Nagsisimula pa lang siya sa showbiz nang tumama ang pandemya kaya dama niya ang hirap na makabingwit ng role o anumang projects.

"Alam naman po nating lahat na hindi madali mag-start as a new artist 'di ba? Hindi naman po agad agad dadating 'yung roles, 'yung projects. To top that, the pandemic happened which made it more challenging for me para umangat ako," kuwento ni Elle sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong June 3.

Kaya naman blessing para sa kanya ang pagdating ng kanyang first lead role.

"Nag-pray ako kay Lord. I asked for guidance, for strength. This new career na tatahakin ko is really a big risk. Very uncertain 'yung future. I asked for his help. I prayed again and again and then I got a call na ayun, I landed the lead role in '#MPK.' Noong pumasok ako ng taping ulit, sobrang saya ko. Sobrang fulfilled ko na I got this role," pahayag niya.

Sa episode na pinamagatang "Prisoners of Love," gaganap si Elle bilang si Evelyn, isang overseas Filipino worker o OFW sa Hong Kong.

Makakamtabal niya dito si Kapuso actor Kristoffer Martin, na gaganap naman bilang si Michael, isang lalaking nasa bilangguan sa Pilipinas.

Prisoners of Love on MPK

"[Si Evelyn] typical na Filipino na very hardworking. Lahat gagawin niya para sa family niya. She came from a relationship na sad, broken-hearted siya. Mai-in love sa isang preso na nasa Pilipinas," paliwanag ni Elle tungkol sa kanyang role.

Dahil sa role, humanga daw siya sa mga OFW at sa mga babaeng nagtataguyod ng kanilang mga pamilya.

"Noong binabasa ko 'yung script, ang interesting ng story. Na-realize ko din sa character na ito na sa Pilipinas uso 'yung babae 'yung talagang nagsasakripisyo para sa pamilya. Sa ibang bansa laging lalaki 'yung nagtatrabaho. Dito sa Pilipinas palaging babae 'yung umaalis, nagtatrabaho para sa pamilya. Na feel ko 'yung women empowerment," aniya.

Huwag palampasin ang unang lead role ni Elle sa brand new episode na "Prisoners of Love" ngayong Sabado, June 5, 8:00 pm sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: