What's on TV

Maxine Medina at Dion Ignacio, magtatambal sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published June 11, 2021 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rains to prevail on Christmas Day
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Maxine Medina and Dion Ignacio


Magiging bahagi ng isang love square sina Maxine Medina at Dion Ignacio sa brand new episode ng '#MPK.'

Apat na tao ang masasangkot sa isang love square sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Mahal Kita Mahal Mo Siya on MPK

Magkarelasyon si Anne at Roxy, kahit na hindi sila laging magkasundo.

Dahil naman sa negosyo, mapipilitang pumasok sa isang relasyon si Jon sa mas batang si Kim.

Pero magkakakilala sina Anne at Jon na parehong tila naglalamig na sa kani-kanilang mga relasyon. Hindi magtatagal, mahuhulog ang loob nila sa isa't isa.

Paano nila ipaglalaban ang kanilang pagmamahal ngayong nakatali pa sila sa kanilang mga karelasyon?

Magtatambal sa fresh episode na ito sina beauty queen-turned-actress Maxine Medina na gaganap bilang si Anne; at Kapuso actor Dion Ignacio na gaganap naman bilang Jon.

Kasama din nila si Arny Ross na gagampanan ang role ng girlfriend ni Anne na si Roxy at si Yvette Sanchez na lalabas naman bilang si Kim.

Huwag palampasin ang kakaibang kuwento nila sa brand new episode na "Mahal Kita, Mahal Mo Siya" ngayong Sabado, June 12, 8:00 pm sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: