What's on TV

Pokwang, gaganap bilang nanay na beauty contest raketera sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published July 3, 2021 9:49 AM PHT
Updated August 31, 2023 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang on MPK


Tampok si Pokwang bilang nanay na rumaraket sa mga beauty contest sa '#MPK.'

Ang komedyante at dramatic actress na si Pokwang ang bibida sa real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong

Sa unang paglabas niya sa #MPK, bibigyang-buhay niya ang episode na pinamagatang "Super Nanay Kontesera."

Kuwento ito ni Helen, isang inang maabilidad na gagawin ang lahat--mula sa pagtitinda, pangungutang at pati na pagsali ng mga beauty contest--para lang itaguyod ang kanyang mga anak.

Pokwang on MPK


Kayod-kalabaw si Helen, lalo na at may kapansan pa ang isa sa kanyang tatlong anak.

Naging tampulan ng pangungutya si Helen dahil sa paraan niya ng paghahanap-buhay para sa kanyang pamilya.

Ang higit pang mas masakit, minamaliit ng kanyang sariling pamilya ang pagsali niya sa mga beauty contest.

"Hello mga bago kong Kapuso! Ako po ang inyong ka MEL-lennial, ang maganda at ang nagmamala gandang si Pokwang na nag- aanyaya po sa inyong lahat na manood at suportahan po ninyo ang aking very very first episode sa #MPK," pag-imbita iya sa mga manonood.

Ayon sa aktres, parehong nakakatawa at nakakaiyak daw ang kanyang upcoming episode.

"Talagang bet na bet ko po 'yung role ko dito. I'm sure matatawa at maiiyak kayo. Ito po ay pinamagatang 'Nanay Kontesera,' ngayong Sabado na po 'yan dito lamang po sa GMA," lahad niya.

Bukod kay Pokwang, bahagi din ng episode si Boom Labrusca, Tart Carlos, Ayra Mariano at Gold Aceron.

Huwag palampasin ang unang paglabas ni Pokwang sa #MPK, "Nanay Kontesera," ngayong Sabado, September 2, 8:15 p.m.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: