GMA Logo Asawa at Kabit sa Isang Bubong on MPK
What's on TV

Kris Bernal, mapapanood muli sa GMA-7 sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published July 15, 2021 10:03 AM PHT
Updated July 15, 2021 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Asawa at Kabit sa Isang Bubong on MPK


Isa si Kris Bernal sa mga bibida sa upcoming, fresh at brand new episode '#MPK.'

Muling mapapanood ang aktres na si Kris Bernal sa sa isang brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pinamagatang "Asawa at Kabit sa Isang Bubong," makakasama ni Kris sa episode sina Kapuso stars Martin del Rosario at Katrina Halili.

Gaganap si Kris bilang Maritess, ang una at legal na asawa ni Karlo na role naman ni Martin.

May bago nang kinakasama si Karlo, si Lea na gagampanan ni Katrina.

Isisingit ni Maritess ang sarili sa relasyon ng dalawa at ipipilit pang tumira sa kanilang bahay.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mabigat palang dahilan si Maritess sa pagbabalik niya sa buhay at bahay ni Karlo.

Alamin kung ano ito sa brand new episode na pinamagatang "Asawa at Kabit sa Isang Bubong," ngayong Sabado, July 17, 8:00 pm sa '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: