
Isang natatanging pagganap mula kay Kapuso actress Ashley Ortega ang matutunghayan sa upcoming brand new episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Gaganap si Ashley bilang Jessa, panganay sa tatlong magkakapatid na babae.
Malapit siya sa kanyang mga kapatid na sina Diana at Luna kaya ikagugulat ng dalawa nang biglang umalis si Jessa sa kanilang tahanan para tumira sa Maynila.
Hindi ito sinabi ni Jessa sa mga nakababatang kapatid pero ang dahilan ng kanyang pag-alis ay ang paulit-ulit na pang-aabusong sekswal mula sa kanilang amang si Nestor.
Sinubukan niyang magsumbong sa kanilang inang si Esme pero hindi nito pinaniwalaan ang anak.
Sa pag-alis ni Jessa, kay Diana naman mababaling ang atensiyon ni Nestor.
Makaligtas kaya ang magkakapatid mula sa patuloy na pang-aabuso ng ama?
Makakasama ni Ashley sa episode si Michael Flores na gaganap bilang mapang-abusong ama na si Nestor. Si Nina Ricci Alagao naman ang gaganap bilang ina niyang si Esme.
Bahagi rin ng episode si Therese Malvar na gaganap bilang gitnang kapatid na si Diana, habang si Althea Ablan naman ang bunsong kapatid na si Luna.
Huwag palampsin ang brand new episode na pinamagatang "Our Abusive Father," sa mas pinaagang timeslot ngayong Sabado, August 1, 7:15 p.m. sa #MPK.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: