What's on TV

Buhay ni Boobsie Wonderland, tampok sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published August 19, 2021 10:56 AM PHT
Updated August 19, 2021 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughters of King Charles’ brother Andrew join royals for Christmas service
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Boobsie


Kilalanin si Mary Jane Vallero, o mas kilala bilang komedyanteng si Boobsie Wonderland, sa '#MPK.'

Sa telebisyon, siya ang giant baby na si Boobsie Wonderland. Sa tunay na buhay siya si Mary Jane Vallero, isang anak, asawa, at ina.

Tampok ang buhay ng komedyanteng si Boobsie sa real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Sa isang natatangging pagkakataon, si Boobsie mismo ang gumanap bilang kanyang sarili sa episode na ito. Si Kapuso actres Joana Marie Tan naman ang gumanap bilang mas batang Boobsie.

Sa murang edad, sumabak na sa pagiging isang performer si Boobsie.

Dahil sa galing niya sa pagsayaw at pagkanta, nakapasok siya bilang entertainer sa Japan kahit siya ay 14 years old pa lamang.

Na-engage pa siya sa isang Japanese citizen habang nagtatrabaho doon. Pero hiniwalayan niya ito nang makilala ang lalaking tunay na nagpatibok ng kanyang puso, si Lito, played by Jay Manalo.

Kahit tutol pa ang kanilang mga magulang, nagsama sina Boobsie at Lito.

Makukuha ni Boobsie ang kanyang "big break" nang sumali sa contest ng isang variety show kung saan siya madi-discover. Ito ang magiging simula ni Boobsie sa pagpe-perform sa mga comedy bars.

Pero mababahiran ng pait ang tagumpay ng komedyante dahil malalaman niyang hindi naging tapat sa kanya ang kasintahang si Lito.

Abangan ang mga pagsubok sa buhay ni Boobsie sa episode na pinamagatang "Fat and Furious: The Adventures of Boobsie," ngayong Sabado, August 21, 7:15 p.m. sa #MPK.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:

https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/magpakailanman/7142/in-photos-ang-kuwento-ng-buhay-ng-komedyanteng-si-boobsie-sa-magpakailanman/photo