What's on TV

Kelvin Miranda, excited na sa first lead role niya sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published September 9, 2021 2:59 PM PHT
Updated September 10, 2021 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Batang babae na nalunod, natagpuan sa Binangonan
Celebrating Filipino Food Month with flavors from across the archipelago
Fans ng Huwag Kang Titingin' stars, todo ang suporta sa sunod-sunod na block screenings nationwide

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda on MPK


For the first time, bibida si Kelvin Miranda sa isang fresh at brand new episode ng '#MPK.'

Maraming supporting roles na raw ang nagawa ni Kapuso cutie Kelvin Miranda para sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Kaya naman lubos niyang ikinagalak nang makuha na niya ang first lead role niya para sa serye.

"Grabe! Through the years, napakaraming supporting roles ko nang ginampanan dito sa 'Magpakailanman.' Pero this time, super excited akong ibalita sa inyo dahil gusto ko kayong anyayahan panoorin ang kaunaunahang pagbibidahan ko dito sa '#MPK.' 'Pasaway na Iskolar,' sa darating po na Sabado, 7:15 pm sa GMA Network," lahad ng aktor.

Sa episode na ito, gaganap si Kelvin bilang Kim, isang binatang matalino pero pilyo at pasaway.

Gayunpaman, pangarap niyang makatungtong at makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Para makatulong agad sa kanyang pamilya, kung ano anong trabaho ang papasukin ni Kim pagkatapos niyang gumradweyt ng high school.

Pero dahil kapos pa rin sila, mapipilitan siyang magnakaw ng manok--bagay na siya namang magdudulot ng disgrasya kay Kim.

Ito ang magiging dahilan ng kanyang desisyon na pumasok ng kolehiyo.

Magtagumpay kaya si Kim na makatapos ng kolehiyo at mabigyang ng mas maayos na buhay ang kanyang pamilya?

Huwag palampsin ang first lead role ni Kelvin para sa #MPK sa brand new episode na pinamagatang "Pasaway na Iskolar," ngayong Sabado, September 11, 7:15 pm.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: