Article Inside Page
Showbiz News
Mapapanood ngayong Sabado sa Magpakailanman ang buhay nina John Edric Ulang at Jaylord Casino, ang hinirang na grand winner at first runner-up sa Mr. Pogi 2012 ng Eat Bulaga.
Mapapanood ngayong Sabado sa Magpakailanman ang buhay nina John Edric Ulang at Jaylord Casino, ang hinirang na grand winner at first runner-up sa Mr. Pogi 2012 ng Eat Bulaga. Saksihan ang mga masalimuot at masasayang pangyayari sa kanilang buhay bago nila naabot ang tagumpay sa pagsali sa naturang contest, kabilang na ang magkaibang klase ng relasyon nila sa kanilang mga ama.
Pangarap ng tatay ni John Edric noon na maging artista pero hindi na ito natuloy dahil nabuntis nito ng maaga ang nanay niya. Gusto nito na maging artista ang anak para maipagpatuloy ang kanyang naudlot na pangarap. Parati nitong sinasabi na huwag tumulad sa kanya na nag-asawa kaagad. Maraming pagsubok na dadaanan si John Edric, tulad ng pagkakasalanta sa kanila ng bagyong Milenyo at pagkakabuntis ng kanyang girlfriend, ngunit hindi ito naging hadlang sa pagsali at pagkapanalo niya sa Mr. Pogi.
Kabaliktaran naman ng pagiging supportive ang ama ni Jaylord. Mas malapit siya sa kanyang ina mula pagkabata dahil palagi siyang napapagalitan ng ama kahit ang mga kapatid niya ang may kasalanan. May isang pagkakataon pa na muntik pang masira ang pader dahil sa pagkakatulak sa kanya ng ama. Ngunit nagbago ang lahat ng ito nang mag-qualify si Jaylord sa Metro Manila finals ng Mr. Pogi. Naging proud ang kanyang ama sa kanya at naging buo ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya. Mula ng nanalo siya bilang First Runner-Up ay naging abala na ito sa mga projects kaya naman hindi na siya nakakauwi ng Cagayan de Oro.
Starring Jake Vargas as John Edric and Derrick Monasterio as Jaylord, kasama sina Bobby Andrews, Neil Ryan Sese, Sherilyn Reyes, Ynna Asistio, panoorin ang kuwento ng pangarap at pag-asa nina John Edric Ulang at Jaylord Casino ngayong Sabado, December 22, 2012, sa Magpakailanman, pagkatapos ng Kap's Amazing Stories. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com