GMA Logo Ang Baklash The Viral Prinsesas ng Navotas in MPK
What's on TV

#MPK presents 'Baklash: The Viral Prinsesas ng Navotas'

Published December 3, 2021 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Julia Montes surprises Alden Richards at his fan meet
Pop Mart opens cafe-themed pop-up store in QC
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Ang Baklash The Viral Prinsesas ng Navotas in MPK


Ngayong Sabado tunghayan sa 'Magpakailanman' ang viral beki prinsesas ng Navotas na sina Lala at MJ.

Ngayon darating na Sabado (December 4) tunghayan sa #MPK ang viral beki prinsesas ng Navotas na sina Lala at MJ. Sila ang binansagang “Baklash” dahil sa mga makabaling-buto nilang pagsasayaw. Ang video pa nga nila, nakaani pa ng mahigit sa 5 million views sa social media.

'Di sila tanggap ng kanilang mga magulang dahil sa bakla na sila sa murang edad na 11 at 13 years old pero pinatunayan nila na kahit mahirap lamang sila Lala at MJ ay nais nilang mai-ahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.

Noong 2018, itinayo nila MJ at Lala ang “Barbitch” sa tulong ng kanilang nanay-nanayan na si Dhang ito ay isang samahan ng mga batang bading mula 11 years old hanggang 16 years old. Layunin nila na iparating sa mga tao na ang mga bakla ay di salot sa lipunan bagkus ay nagbibigay saya at magandang asal sa lipunan.

Nag-oorganize ang “Barbitch” ng mga Little Ms Gay, dance contests na pasiklaban ng bali buto buwis buhay showdown at volleyball liga ng mga batang bading sa kanilang barangay.

Ang Baklash: The Viral Prinsesas ng Navotas ay mapapanuod na ngayong Sabado, December 4, 2021.

Pinangungunahan nina Jay Manalo as Jimmy, Epy Quizon as Maynardo, Lovely Rivero as Lorrie, Candy Pangilinan as Marielle, Orlando Sol as Michael, Tess Bomb as Host, Rob Moya as Danilo, Carlo Cannu as Dang, Marinella Alexa Sevidal as Venus, MJ as himself and Lala as himself.

Idinirehe ni Jorron Monroy, sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Gelox Launo.