
Muling ipapamalas ng aktor na si Gabby Eigenmann ang kanyang galing sa pag-arte sa upcoming fresh at brand-new episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang-buhay kasi niya ang kuwento ni Roland Barrientos, ang nakapag-imbento ng sasakyang tinatawag na drum car.
Nagsimula bilang isang balut vendor, garbage collector, at mangangalakal si Roland.
Bago mabuo ang kanyang imbensiyon, maraming pinagdaanan si Roland.
Mangingibang-bansa ang asawa niyang si Karen, karakter ni Rochelle Pangilinan, para makatulong sa panggastos ng kanilang pamilya.
Mangangako naman si Roland sa mga anak na muling bubuuin ang pamilya ngunit hindi niya ito magagawa.
Makakahanap naman siya ng pag-intindi at pag-aaruga mula kay Jennifer na gagampanan ni Myrtle Sarrosa.
Ang relasyon ni Roland kay Jennifer ang magiging sanhi ng paglayo ng loob ng panganay niyang si Rochelle, role naman ni Ashley Ortega.
Suwerte si Gabby na nakilala niya sa personal si Roland at tinuruan pa siya nito kung paano paandarin ang drum car.
Panoorin ang exclusive behind-the-scenes video na ito mula sa set ng #MPK:
Huwag palampasin ang fresh at brand new episode na "Balut Vendor Turned Inventor: The Roland Barrientos Story," ngayong Sabado, January 8, 7:15 p.m. sa #MPK.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: