Marami na ang nakakikilala kay Tintin Ng bilang isang artista na mahusay magpatawa. Pero ang hindi alam ng mga tao, sa likod ng kaniyang bawat ngiti ay may itinatago siyang nakaraan na kay hapdi.
Marami na ang nakakikilala kay Tintin Ng bilang isang artista na mahusay magpatawa. Pero ang hindi alam ng mga tao, sa likod ng kaniyang bawat ngiti ay may itinatago siyang nakaraan na kay hapdi.
Ngayong Sabado, sa espesyal na pagtatanghal ng Magpakailanman para sa Mother's Day, itatampok ni Miss Mel Tiangco ang kuwento ng buhay ni Tintin Ng--isang batang ina.
Hinalay nang siya ay onse anyos, nabuntis nang siya ay twelve years old, at nanganak nang tumuntong sa murang edad na trese. Paano niya hinarap ang madilim na kinabukasan? At paano niya ito nilagpasan para maging Tintin Ng na kilala natin ngayon?
Alamin kung paano hinarap ni Tintin ang mga pagsubok at dagok na dinala ng kapalaran sa kaniyang buhay, sa natatanging pagganap ni Krystal Reyes sa ilalim ng masusing direksyon ni Maryo J. delos Reyes, at mahusay na panulat ni Senedy Que, ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.