Jackie Lou Blanco, gaganap bilang nanay na may bipolar disorder sa '#MPK'
Inilarawan ng beteranang aktres na si Jackie Lou Blanco bilang "challenging but rewarding" ang upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Gaganap kasi siya dito bilang Aie Aie, isang ina na may bipolar disorder.
Masaya daw si Jackie Lou na magiging isang paraan upang magbigay-alam tungkol sa kundisyong ito ang kanilang episode.
"This has got to be one of the most challenging roles I have portrayed. Challenging but rewarding. I feel blessed to take part in this episode that helps raise awareness and compassion for those going through mental health issues," sulat ng aktres sa kanyang Instagram account.
Dahil daw sa episode, lalo daw lumaki ang kanyang respeto sa tao na nag-aalaga o tumutulong sa mga may mental health conditions.
"A deeper respect for their families who take the journey with them. This is a story of a daughter's unconditional love for her mother. Hope you can all join us and watch Magpakailanman this Saturday, April 2," pagpapatuloy ng caption ni Jackie Lou.
Makakasama niya sa episode ang aktres na si Barbie Forteza na gaganap bilang anak ni Aie Aie na si Ashley.
Pangarap ni Ashley na sumali sa international competition para sa arnis. Masusubukan ang kanyang tatag dahil kasabay ng istriktong training niya para sa arnis, inaalagaan din niya ang inang maysakit.
Abangan sina Jackie Lou at Barbie sa fresh at brand new episode na "My Bipolar Mom," March 26, 8:00 p.m. sa #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: