GMA Logo Barbie Forteza in MPK
What's on TV

Barbie Forteza, trending dahil sa panibagong pagganap sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published April 3, 2022 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza in MPK


Gumanap si Barbie Forteza sa '#MPK' bilang atleta na mag-isang nag-aalaga ng nanay niyang may bipolar disorder.

Isa na namang natatanging pagganap ang hatid ni Kapuso actress Barbie Forteza sa katatapos lang na episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pinamagatang "My Bipolar Mom," gumanap dito si Barbie bilang Ashley, isang arnis player na nangangarap makatungtong sa isang international competition.

Kasabay ng kanyang istriktong training, mag-isa rin niyang inaalagaan ang inang na-diagnose ng bipolar disorder.

Naantig ang netizens sa pagganap ni Barbie kaya naging 9th top trending topic ang actress sa Twitter Philippines.

Silipin ang mga papuring natanggap ni Barbie dito:

Kasama ni Barbie sa episode ang beterang aktres na si Jackie Lou Blanco na gumanap bilang nanay niyang si Aie Aie.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa #MPK episode na "My Bipolar Mom" nina Barbie Forteza at Jackie Lou Blanco dito: