
Isang kontrobersiyal na kuwento ang mapapanood sa episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.
Tampok kasi dito ang buhay ni Rose Vega, isang Filipina na sumikat internationally dahil sa isang American reality show.
Source: rose_vega_official (IG)
"Gusto ko lang i-share 'yung buhay ko para ma-inspire 'yung ibang tao sa pamamagitan ng kuwento ng buhay ko," pahayag ni Rose sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Bukod sa experience niya sa Amerikanong nobyo at sa reality show na sinalihan nito, mapapanood din sa #MPK episode ang buhay niya bilang isang single mom.
Umaasa daw si Rose na maraming matututunan ang mga manonood sa sa kuwento ng kanyang buhay.
"Ang gusto ko lang pong matutunan ng viewers, kahit babae ka, may magagawa ka. May maitataguyod ka bilang babae. Hindi mo kailangan na umasa sa ibang tao, epsecially sa lalaki. Kahit babae ka, may magawa ka," aniya.
Si Herlene "Hipon Girl" Budol ang gaganap sa kanya sa episode--bagay na ikinatuwa ni Rose.
"Nakakatuwa kasi noong una, tinanong ko kung sinong gaganap, nag-iisip pa daw po. Tapos noong nalaman kong si Herlene, tuwang tuwa 'ko. Siyempre, nanonood ako ng 'Wowowin,'" kuwento ni Rose.
Bukod kay Herlene, tampok din sa episode ang aktor at asawa ni Kapuso comedienne Pokwang na si Lee O'Brian at si Marco Alcaraz.
Mas kilalanin pa si Rose sa "Fiancée or Financier: The Rose Vega Story," November 19, 8:15 p.m. sa #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: