GMA Logo Thea Tolentino on #MPK
What's on TV

Thea Tolentino, gaganap bilang battered woman sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published May 19, 2022 5:09 PM PHT
Updated May 20, 2022 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino on #MPK


Bibigyang-buhay ni Thea Tolentino ang kuwento ng isang battered woman sa upcoming episode ng '#MPK.'

Isang natatanging paggganap ang mapapanood mula kay Kapuso actress Thea Tolentino sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanaman.

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng battered woman na si Rina sa episode na pinamagatang "When My Daughter Falls In Love."

Simula noong kabataan niya, close na si Rina sa kaibigang si Meinard, karakter ni Martin del Rosario.

Boto rin kay Meinard ang nanay ni Rina na si Nori, role ni Maila Gumila, dahil nakikita niyang isa itong disenteng lalaki at may matayog na mga pangarap.

Pero sadyang kaibigan lang ang turing ni Rina kay Meinard.

Maagang magkakaroon ng anak ni Rina at mapipilitang magtrabaho sa isang night club para kumita ng pangtustos sa kanyang anak.

Dito niya makikilala si Edward, isang lalaking seloso at mapanakit. Hindi naman maiwan ni Rina si Edward dahil nakasalalay rito ang trabaho niya sa club.

Mailigtas kaya ni Nori at Meinard si Rina mula sa kanyang abusive relationship?

Abangan ang fresh and brand-new episode na "When My Daughter Falls In Love," May 21, 8:15 p.m. sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: