
Isang natatanging pagganap na naman mula sa comedienne at dramatic actress na si Pokwang ang matutunghayan sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanaman.
Gaganap kasi siya bilang Lilia, isang nanay na napilitang ipamigay ang kanyang mga anak sa episode na pinamagatang "Nasaan Ka, Inay?"
Dahil mapanakit at lasenggo ang kanyang asawa, hihiwalayan niya ito at ilalayo ang kanilang limang anak.
Makikituloy sila sa bahay ng ama ni Lilia, bagay na hindi ikakatuwa ng kanyang kapatid.
Todo kayod naman si Lilia para mabuhay ang mga anak pero masusubukan ang kanyang tatag nang magkaroon ng malubhang sakit ang dalawa rito.
Mapipilitan siyang ipa-ampon ang mga anak sa mga makakapagpagamot at makakapag-alaga sa mga ito. Makikita pa kaya ni Lilia ang mga anak?
Makakasama ni Pokwang sa episode sina Leandro Baldemor, Gilleth Sandico, Archie Adamos, David Remo, Euwenn Aleta, Ruiz Gomez, Nikki Co, at Rubi Rubi.
Abangan ang natatangging pagganap ni Pokwang sa fresh and brand new episode na "Nasaan Ka, Inay?" June 4, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livesteam din ito nang sabay sa official YouTube channel ng GMA Network, sa Facebook page at TikTok account ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: