Article Inside Page
Showbiz News
Sa darating na Sabado, samahan natin si Mel Tiangco at tuklasin natin ang mga pangarap ng grand winner ng Super Sireyna: Queen of Queens ng
Eat Bulaga na si Francine Garcia, at ang mga pangyayari sa kaniyang buhay na humubog at tumulak sa kaniya para maging isang Super Sireyna.

Iba-iba ang kaniyang ginamit na pangalan tuwing siya ay sasali sa mga beauty contests: Heart, Iya—Kim. Pero ngayon ay kilala na siya sa buong sambayanan bilang grand winner ng Super Sireyna: Queen of Queens.
Siya si Francine Garcia.
Sa darating na Sabado, samahan natin si Mel Tiangco sa kaniyang pakikipagkuwentuhan kay Francine. Tuklasin natin ang kaniyang mga pangarap, at ang mga pangyayari sa kaniyang buhay na humubog at tumulak sa kaniya para maging isang Super Sireyna.
Paano nga ba tinanggap ng kaniyang pamilya ang pinili niyang landas? Ang kaniyang desisyon na maging isang tunay na babae? At anu-ano ang kaniyang pinagdaanan sa kaniyang buhay bago niya nakamit ang tagumpay sa sinalihang beauty contest ng Eat Bulaga?
Alamin sa
ANG UNANG LIPAD NI SUPER SIREYNA: The Francine Garcia Story, ngayong Sabado sa Magpakailanman, featuring Francine Garcia sa kaniyang kauna-unahang starring role, with Rita Avila, Jordan Herrera, and Boy 2 Quizon; sa ilalim ng masugid na direksyon ni Maryo J. delos Reyes, sa panulat ni Senedy H. Que, base sa pananaliksik ni Angel Lauño.