What's on TV

Magpakailanman presents "School Bullying Caught On Cam"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 6, 2020 9:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Call of Duty' co-creator Vince Zampella killed in car crash
4 ash emissions logged on Kanlaon Volcano in Negros
Barry Manilow is undergoing surgery to remove cancerous spot in his lungs

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Sabado sa Magpakailanman, isang kuwento ng kakaibang tapang ang ilalahad kay Miss Mel Tiangco ng isang public school student na naging biktima ng mga bully. 

Nakaranas ka na na na matawag ng kung anu-anong mga bansag? Mga salitang ginagamit para makapanakit?

At matapang ka ba?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, isang kuwento ng kakaibang tapang ang ilalahad kay Miss Mel Tiangco ng isang public school student na naging biktima ng mga bully.

Bagong lipat si “Abby” sa isang school kung saan wala siya halos kakilala. Dahil maganda at mabilis makakuha ng kaibigan, pagseselosan ito ng leader ng isang gang sa loob ng school—isang gang na hindi natatakot ultimo sa mga teachers.

At dahil sa isang sandali ng hindi pagkakaunawaan, iigting ang galit ng leader na ito kay “Abby!” Kasama ng kaniyang gang, iko-corner ng mga babaeng ito si “Abby” at bubugbugin on school grounds!

Makukunan ng video ang ginawang pambubugbog kay “Abby” at kakalat ito. Dahilan para mag-decide ang dalagita na lumaban na sa kaniyang mga bullies—na magsumbong na sa mga mas nakatatanda sa kaniya.

Pero ano ang magagawa ni “Abby” kung maging ang mga tagapangasiwa ng paaralan ay natatakot rin sa kaniyang mga kalaban? Mahahanap ba niya ang tapang para tigilan na siya ng mga nang-aapi sa kaniya?

Alamin ang sagot ngayong Sabado sa Magpakailanman—pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko!

“SCHOOL BULLYING CAUGHT ON CAM” is written and directed by Aloy Adlawan, featuring Bianca Umali and Vincent Magbanua, alongside Rich Asuncion, Nicole Dullala, Sabrina Mann, and Shamaine Centenera. The story was researched by Karen Lustica and Stanley Pabilona.