
Talambuhay ni beauty queen and actress Rabiya Mateo ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Lalo pang naging espesyal ang episode dahil si Rabiya mismo ang gaganap sa kanyang sarili.
Bago naging isang beauty queen, maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Rabiya sa kanyang personal na buhay.
Malaking dagok sa kanya nang iwan sila ng kanyang Indian na ama. Dahil dito, naghirap ang kanyang pamilya at umabot sa puntong naputulan sila ng kuryente at napalayas sa inuupahang bahay.
Higit sa lahat, hanggang pagtanda ni Rabiya ay nangungilila pa rin siya sa amang umabandona sa kanila.
Ang pagsali sa Miss Universe pageant na ba ang magiging susi para mahanap niya ito?
Tunghayan ang natatanging pagganap ni Rabiya sa sarili niyang talambuhay na "Basta Ilongga, Guwapa: The Rabiya Mateo Story," October 1, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: