
Sama-sama tayong ma-inspire sa kuwento ng buhay ng isang drag queen sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Tampok sa episode si Kapuso actor Royce Cabrera na bibigyang-buhay ang kuwento ni Edwin Luis, isang drag queen.
Hilig ni Edwin na sumali sa mga drag shows kahit hindi ito tanggap ng nanay niyang si Lily, played by Candy Pangilinan.
Buti na lang, very supportive ang tatay niyang si Rudy, karakter naman ni Benjie Paras.
Sa pakikipagsapalaran ni Edwin bilang isang performer at drag queen sa Japan, ano ang mga haharapin niyang pagsubok doon?
Abangan ang kanyang kuwento sa "Born to be a Queen: The Edwin Luis Story," June 24, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: