
Isang nakakakilabot na episode ang hatid ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Bibida si Kapuso actress Bea Alonzo sa episode na pinamagatang "The Haunted Soul."
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Lezlie, isang babaeng may mahinang pananampalataya at nilapitan ng masasamang elemento.
Alamin ang mga pinagdaanaan ni Lezlie sa "The Haunted Soul," November 2, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: