
Kabilang ang real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman sa mga programang may multiple nominations sa PMPC Star Awards for TV 2023.
Nominado ito bilang Best Drama Anthology kung saan makakatunggali niya ang kapwa GMA Network shows na Tadhana at Wagas.
Ilang mga aktres na nagpakita ng mahusay na pagganap sa mga 'di malilimutang episodes din ang nominado para sa Best Single Performance by an Actress.
Kabilang dito sina Bianca Umali para sa episode na "Sayaw ng Buhay" kung saan gumanap siya bilang isang para-dance sport champion, Jennylyn Mercado para sa episode na "Sa Kamay ng Fake Healer" kung saan gumanap siya bilang magnanakaw ng kneecap ng yumao niyang tiyahin at Kyline Alcantara para sa episode na "Rape Victim, Ikinulong?" kung saan gumanap siya bilang OFW na biktima ng karahasan ng kapwa niya Pilipino sa Dubai.
Nominado rin ang ilang actor para sa Best Single Performance by an Actor dahil sa natatangging pagganap nila sa '#MPK.'
Kabilang diyan si Mark Herras na gumanap bilang physically at sexually abusive husband sa "I Married My Rapist," Martin del Rosario na gumanap naman bilang konserbatibo pero bayolenteng asawa sa "The Lockdown Wife" at Royce Cabrera na gumanap bilang massage therapist na napilitang magbigay ng extra service sa "Masahista For Hire."
Patuloy na mapapanood ang tunay na kuwento ng mga tunay na tao sa #MPK o Magpakailanman tuwing Sabado, 8:00 p.m. sa GMA.
Naka-livestream din nang sabay ang mga episodes nito sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.