What's on TV

Jaclyn Jose at Therese Malvar, bibida sa 'Magpakailanman'

Published February 22, 2023 5:45 PM PHT
Updated August 28, 2025 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Jaclyn Jose at Therese Malvar


Dalawang internationally-acclaimed actresses ang bibida sa 'Magpakailanman' ngayong Sabado.

Balikan ang pagsasanib-puwersa ng dalawang internationally-acclaimed actresses sa real life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado.

Sina 2016 Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose at 2016 Moscow International Film Festival Actress Therese Malvar ang bibida sa episode na pinamagatang "Bayad Utang."

Si Jaclyn ay si Andeng habang si Therese naman ay ang anak niyang si Sally.

Dahil sa malaking pagkakautang, ipambabayad ni Andeng ang 16-taong gulang na si Sally kay Monching--karakter ni Dennis Padilla.

Paano magiging asawa ng lalaking mas nakakatanda sa kanya si Sally ngayong musmos pa ito at wala pang kaalam-alam sa mundo?

Mapapatawad kaya ni Sally si Andeng na tila ipinagpalit siya sa salapi?

"Magagaling ang mga artista natin. Mayroon tayong beterano, si Mr. Dennis Padilla at mayroon tayong bagong bata na beterana sa pag-arte dahil marami nang nakuhang parangal sa buong mundo, napakahusay na bata, si Therese Malvar. Alam ng lahat kung ano 'yung mga na-achieve niya. Itong batang ito ay susundan ng audience," pahayag ni Jaclyn sa isang nakaraang interview.

Abangan ang tagisan ng internationally-acclaimed actresses na sina Jaclyn Jose at Therese Malvar sa "Bayad Utang," August 30, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: