IN PHOTOS: Lalaki sa likod ng "kapag lumingon ka, akin ka" viral videos, kilalanin sa '#MPK'

Kilalanin ang lalaki sa likod ng kinagigiliwang "kapag lumingon ka, akin ka" viral videos sa episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado, February 5.
Kuwento ito ni Amado 'Madz' Aguilar na nagtatrabaho bilang segment producer ng iba't ibang variety shows sa telebisyon.
Pero ang tagumpay niya sa career ay tila kabaligtaran ng kapalaran niya sa pag-ibig.
Bilang isang out and proud gay man, ilang beses na rin siyang niloko ng mga nakakarelasyon niya.
Dinapuan pa ng malubhang sakit si Madz na kung saan ilang buwan siyang nakaratay sa ospital. Dahil dito, naubos din ang lahat ng naipon niya.
Paano kaya makakabangon si Madz?
Si Sef Cadayona ang gaganap bilang Madz.
Kasama rin sa episode sina Mark Herras, Melissa Mendez, Toby Alejar, Ervic Vijandre, Shermaine Santiago, Kiel Rodriguez
Nikki Co, at Jenzel Angeles.
Abangan ang "Kapag Lumingon Ka, Kay Madz Ka: The Amado 'Madz' Aguilar Story," February 5, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






