GMA Logo Zephanie and Dylan Menor
What's on TV

Zephanie, Dylan Menor sing 'MAKA' OST 'Catching Feelings'

By Aimee Anoc
Published October 22, 2024 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie and Dylan Menor


Pakinggan ang nakakakilig na duet nina Zephanie at Dylan Menor ng "Catching Feelings" para sa original soundtrack ng 'MAKA' rito.

Kilig vibes ang hatid ng MAKA love team na sina Zephanie at Dylan Menor sa kanilang duet ng love song na "Catching Feelings," isa sa original soundtracks ng youth-oriented show na MAKA.

Napakinggan na ang "Catching Feelings" sa ikalimang episode ng MAKA na umere noong Sabado, October 19. Talaga namang dumaragdag ang kantang ito sa kilig ng mga eksena nina Zephanie at Dylan sa teen show.

Ang "Catching Feelings" ay likha ni Ann Margaret Figueroa under GMA Post Music Production.

Bukod dito, kamakailan lamang ay muling nagpakilig sina Zephanie at Dylan nang i-post sa Instagram ang kanilang duet ng classic song na "Fly Me to the Moon."

Patuloy na subaybayan sina Zephanie at Dylan sa MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

Kasama rin nila sa teen show ang Sparkle stars na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, May Ann Basa o "Bangus Girl," at ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

MAS KILALANIN ANG CAST NG 'MAKA' SA GALLERY NA ITO: