GMA Logo MAKA Season 2 Director Frasco Mortiz
What's on TV

'MAKA' season 2, magkakaroon ng bagong direktor; magsisimula na sa January 25

By Aimee Anoc
Published January 9, 2025 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA Season 2 Director Frasco Mortiz


Excited na ba kayo para sa bagong season ng hit youth oriented show na 'MAKA'?

Kaabang-abang ang susunod na season ng hit youth oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA dahil bukod sa bagong cast members ang mapapanood, ididirehe rin ito ng bagong direktor.

Si Direk Frasco Mortiz ang bagong direktor ng MAKA para sa season 2 nito na magsisimula na ngayong January 25.

Idinirehe ni Direk Rod Marmol ang unang season ng MAKA na talaga namang minahal ng maraming manonood. Napanood ang huling episode nito noong December 14.

Isa sa mga dapat na abangan sa bagong season ay kung totoo nga bang magsasara na ang MAKA High?

Tampok sa MAKA season 1 ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts, kung saan natunghayan ang iba't ibang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z.

BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG ILANG MGA EKSENA SA SEASON FINALE NG 'MAKA' RITO: