
Sa unang pagsasama-sama ng MAKA season 2 cast noong nakaraang linggo, kung saan ipinakilala na ang kanilang mga karakter at nagkaroon na rin ng outfit check para sa kanilang bagong school uniform, ipinarinig nina Elijah Alejo at Bryce Eusebio ang kanilang talento sa pagkanta.
Ipinakita ng GMA Public Affairs ang pag-awit ni Elijah ng "Build Me Up Buttercup" na sinabayan ng pagpalakpak ng kanyang co-stars.
Inawit naman ni Bryce ang "Photograph" ni Ed Sheeran, na umani ng hiyawan mula sa kanyang co-stars.
Kabilang sina Elijah at Bryce sa bagong cast members para sa MAKA season 2 kung saan makakasama rin ang Sparkle artists na sina Shan Vesagas at Josh Ford.
Present din sa naganap na outfit check sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa.
Abangan ang MAKA season 2 malapit na sa GMA!
TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG 'MAKA SEASON 2' CAST SA GALLERY NA ITO: