
May pasilip ang cast ng MAKA season 2 sa kanilang bagong school--ang MacArthur Academy.
Matapos ang kanilang outfit check noong nakaraang linggo kung saan ipinakita ng cast ang kanilang bagong school uniform, ipinasilip na rin ng MAKA squad ang kanilang bagong eskwelahan.
Muling makakasama sa MAKA season 2 ang Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Olive May, John Clifford, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa.
Magbabalik din sa hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Madadagdagan ang paboritong Gen Z barkada ng bagong cast members na sina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, at Josh Ford.
Abangan ang pilot episode ng MAKA season 2 ngayong February 1, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG MAKA SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: