GMA Logo zephanie
What's on TV

Zephanie, handa na sa intense scenes ng 'MAKA'

By Aimee Anoc
Published February 6, 2025 11:11 AM PHT
Updated February 6, 2025 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

zephanie


Ayon kay Zephanie, sinigurado niyang ready siya physically sa pagbabalik ng 'MAKA.'

Natatawang ikinuwento ng Sparkle star na si Zephanie kung paanong "bugbog na bugbog" siya sa hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.

Ani Zephanie, sa unang season pa lamang ay palagi na siyang "ready physically" para sa mabibigat at intense na mga eksena. Tulad na lamang na madalas siyang napagbubuhatan ng kamay ng kanyang ina, na ginampanan ni Tina Paner.

Sa MAKA season 2, unang episode pa lamang ay mayroon nang eksena si Zephanie, kung saan natumba ito at muntik nang mabangga ng sasakyan.

"Bugbog na bugbog ako, guys, sa show na ito," kuwento ng aktres. "Like season 1 pa lang and then ngayon. Kung napanood n'yo 'yung episode 1 talagang kailangan ready ako physically."

Nagbabalik si Zephanie sa MAKA season 2 kasama sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa, maging ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Nadagdagan ang kanilang barkada ng bagong cast members na sina Elijah Alejo bilang Elijah Rodente, Bryce Eusebio bilang Bryce Hernandez, Shan Vesagas bilang Shan Rodente, at Josh Ford bilang Josh Taylor, kasama ang influencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.

Panoorin ang pilot episode ng MAKA season 2 sa video na ito:

Abangan ang MAKA season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG MAKA SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: