
Haharap sa isang panibagong pagsubok ang MAKA barkada na si Marco (Marco Masa) sa ika-19 episode ng MAKA na "Sa Ngalan ng Pag-ibig" ngayong Sabado, June 21.
Susubukang suyuing muli ni Marco si Ashley (Ashley Sarmiento), pero magtagumpay kaya ang binata lalo na ngayong tila pinopormahan na ni Bryce (Bryce Eusebio) ang dalaga.
Matatandaan na nagkahiwalay sina Marco at Ashley matapos na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang outing sa ika-15 episode ng MAKA. Dito, si Marco mismo ang nakipaghiwalay kay Ash at iniwan ang dalaga na nasasaktan.
Makuha na kaya muli ni Marco ang puso ni Ashley o tuluyan na silang magkakalayo? Dahil si Marco, paalisin na sa MAKA boarding house.
Abangan 'yan sa MAKA ngayong Sabado, June 21, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: