Excited na rin ba kayo para sa ikawalong episode ng MAKA na mapapanood na ngayong Sabado? I
Sa ikapitong episode ng MAKA, ipinakita ang malungkot na kuwento ng pamilya ni Marco (Marco Masa) at ang pangarap nilang magkapatid para sa musika.
Ngayong Sabado, masasaksihan naman ang itinatagong kuwento ng pamilya ni Ash (Ashley Sarmiento).
Narito ang ilang pasilip mula sa set para sa ikawalong episode ng GMA Public Affairs' youth-oriented show na MAKA.
Madamdamin at mabigat ang kuwentong masasaksihan sa MAKA ngayong Sabado, November 9.
Behind the scenes pa lamang ay mararamdaman na ang madamdaming eksena na ito nina Ashley Sarmiento
Masasaksihan sa ikawalong episode ng MAKA ang itinatagong kuwento ng pamilya ni Ash (Ashley Sarmiento) at makikilala na rin ang kanyang ina, na gagampanan ni Karen Delos Reyes.
Bakit kaya nagtatago ang ina ni Ashley?
Ang MAKA young stars kasama ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at Karen Delos Reyes.
Abangan ang muling pagsasama-sama ng Gen Z barkada ng MAKA na sina Zephanie, Dylan Menor, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa.
Tila pakikiligin na naman nina Zephanie at Dylan Menor ang manonood ng MAKA.
Na-miss n'yo rin ba ang tandem nina Sean Lucas at Chanty?
Kitang-kita ang saya ng seasoned actor na si Romnick Sarmenta sa set ng MAKA.
Tungkol saan kaya ang pinag-uusapan ng MAKA squad kasama si Sir V?
Patuloy na subaybayan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA