GMA Logo

Pamilya ng mga manggagamot si Amira (Elle Villanueva) na nakatira sa paanan ng bundok ng Makiling. Marami silang natutulungan pero mahina ang kinikita ng mga albularyo, kaya’t hindi sila nakaka ahon mula sa kahirapan. 

Sa kagustuhang makatulong sa pamilya, magtatrabaho si Amira sa Maynila bilang janitress sa isang eskwelahan. Dito niya makakasagupa ang limang school bullies na tinatawag na Crazy 5. Sila ay mga anak ng mga mayayaman at makapangyarihang pamilya, kabilang ang magkapatid na Portia at Seb (Myrtle Sarrosa at Kristoffer Martin) na anak ng may-ari ng isang higanteng pharmaceutical company, ang Terra. 

Lalala nang lalala ang bullying kay Amira hanggang sa tangkain siyang patayin ng Crazy 5. Ang dahilan ng attempted murder ay para agawin ang misteryosong halamang natuklasan ni Amira at ng kaniyang nobyo na si Alex (Derrick Monasterio) sa gubat ng Makiling – ang MUTYA. Kayang magpagaling ng Mutya ng iba’t ibang sakit, kung kaya’t napakahalaga nito. 

Akala ng Crazy 5 ay napatay na nila si Amira, pero pagkatapos ng anim na taon, muli siyang magbabalik para maghiganti! Ang dating malumanay at tahimik na si Amira, ngayon ay isa nang palaban, mayaman, sophisticated at tuso! Maniningil si Amira sa mga taong may napakalaking kasalanan sa kanya!

TV Inside


TV Index Page


Makiling




Makiling: Final Weekly Marathon | April 29 - May 3, 2024
Ang huling tapatan nina Amira at Portia (Weekly Recap HD) | Makiling
Ang happy ending ni Amira | Makiling
Amira, muntik nang magaya kay Magnolia?! | Makiling
Oras na niya, Amira | Makiling