GMA Logo Makiling
What's on TV

Pilot episode ng 'Makiling', nakakuha ng mataas na TV ratings!

By Jimboy Napoles
Published January 9, 2024 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Makiling


Umpisa pa lang ng gigil, pero tutok na tutok na ang bayan sa revenge drama na 'Makiling.'

Pinanggigilan ng mga Kapuso ang pilot episode ng bagong mystery revenge drama na Makiling sa GMA Afternoon Prime.

Patunay rito ang mataas na TV ratings na nakuha ng programa kahapon, January 8, na tumabo ng 6.5, base sa inilabas na preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.

Higit na mas mataas ito kumpara sa ratings ng mga katapat nitong programa sa ibang TV stations.

Samantala, naramdaman din ng mga bida ng serye na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio ang suporta ng mga Kapuso sa Makiling.

Sa katunayan, naki-mini-viewing party pa ng first episode ng Makiling sina Elle at Derrick sa isang barangay sa Quezon City.

Dito ay tutok na tutok ang mga Kapuso sa mga buena-manong intense na eksena ng serye.

Isang post na ibinahagi ni GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)


Sa naturang pilot episode ng serye, ipinakilala na ang mga karakter nina Elle at Derrick bilang sina Amira at Alex na simpleng namumuhay sa paanan ng bundok Makiling.

Sa unang bahagi ng episode, ipinakita na rin ang hindi magandang sasapitin ni Amira sa kamay ng mga ganid na “Crazy 5.” Ito ay ginagampanan nina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro.

Ang Makiling ay mula sa produksyon ng GMA Public Affairs na siya ring gumawa ng Lolong, The Write One, at Owe My Love.

Mapapanood ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. pagkatapos ng Stolen Life at bago ang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime.


RELATED GALLERY: Makiling cast, handa nang gigilin ang mga manonood sa kanilang serye