GMA Logo Makiling
What's on TV

Bardagulan era is coming sa 'Makiling'!

By Jimboy Napoles
Published January 18, 2024 12:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Makiling


Mga Kapuso, kumapit dahil papunta pa lang tayo sa exciting part ng Makiling!

Kung na-shookt na kayo sa nakalipas na episodes ng Makiling tampok ang matinding bardagulan gaya ng sampalan nina Amira (Elle Villanueva) at Rose (Thea Tolentino) sa ilog dahil kay Alex (Derrick Monasterio), hindi pa 'yan ang todong gigil dahil marami pang intense na cat fight scenes ang hindi n'yo pa napapanood.

Bardagulan era is coming! Dahil si Amira, makakasagupa naman ngayon ang kanyang magiging matinik na kalaban, walang iba kung 'di ang spoiled brat at leader ng Crazy 5 na si Portia (Myrtle Sarrosa).

Matatandaan na nagkainitan na sila sa una nilang pagkikita sa bundok Makiling, pero sa muli nilang paghaharap, humanda sa ibang level nilang iringan.

Sa teaser ng serye, makikita na namasukan bilang salon staff si Amira upang makatulong siya sa gastusin sa pagpapagamot sa kanyang ama na si Crisanto (Cris Villanueva) na inatake sa puso dahil sa bangayan nila ng kanyang ate na si Rose.

Pero ang inaakala ni Amira na madaling trabaho, guguluhin ng bruha na si Portia. Bruha, dahil ang kanyang buhok, mamu-murder nang hindi sinasadya.

I-enjoy lang ang mga mapapanood na pang-aalipusta kay Amira dahil ang sukdulang pang-aapi, tatapatan niya ng sukdulang paghihiganti!

Subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Makiling cast, handa nang gigilin ang mga manonood sa kanilang serye