
Kung inaakala n'yong nakita n'yo na ang sagad na pagpapahirap ng Crazy 5 kay Amira (Elle Villanueva), nagkakamali kayo.
Mamaya sa Makiling, mas titindi pa ang gigil n'yo sa mga kontrabidang ito dahil si Amira, ipapalapa lang naman nila sa mala-halimaw na aso at ipapatuklaw pa sa mga makamandag na cobra.
Sa trailer ng serye, mapapanood ang pagsuplong ni Amira sa Crazy 5 na sina Portia (Myrtle Sarrosa), Seb (Kristoffer Martin), Ren (Royce Cabrera), Oliver (Teejay Marquez), at Maxine (Claire Castro), dahil sa kanilang pangbu-bully at paggamit ng iligal na droga sa kanilang paaralan.
Dahil dito, kuhang-kuha ni Amira ang inis ng Crazy 5. Kaya ang resulta, ipapa-kidnap siya para muling pahirapan.
Ang mala-demonyitang si Portia, nakaisip ng bagong paraan upang pahirapan ang bidang si Amira. Ito nga ay ang pagpapalapa sa aso at pagkukulong kay Amira sa ataul kasama ang mga malalaking cobra.
Sa kabilang banda, para mas maging makatotohanan ang eksena, gumamit ng special graphics ang programa para rito.
Intense kung intense, gigil kung gigil! Ito ang mga dapat abangan sa mga susunod na episodes ng pambansang revenge drama ng mga Pilipino - ang Makiling.
Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.