
Pagkatapos ng anim na taon, dadating na ang oras ng paniningil sa Crazy5 at mga Terra. Lalantad si Amira 2.0 at gagamitin niya ang yaman, tapang, at galing para ibunyag ang kabulukan ng kanyang mga kalaban at sirain ang buhay nila.
Sa tulong ng isang misteryosong kakampi, isa-isang paghihigantihan ni Amira ang mga umapi sa kanya. Bilang may-ari ng kumpanyang Mutyang Maria, magsisilbi syang malaking banta sa Crazy 5 at sa mga Terra - mula sa negosyo, hanggang sa seguridad ng kani-kanilang mga lihim.
Habang unti-unti niyang natutuklasan ang mga naging pagbabago sa kanyang mga mahal sa buhay simula noong mawala sya, matatanggap ba niya na ang minsan niyang minahal, karelasyon na pala ng kapatid niyang si Rose? Magiging balakid din ito sa mga plano ni Amira dahil bilang alagad ng batas, hindi niya mapapayagang ituloy ni Amira ang pagpataw niya ng vigilante justice sa mga kalaban niya.
Sorry now, ganti never! Matitikman na ang sukdulang paghihiganti sa pambansang revenge drama ng Pilipino, Makiling, 4pm sa GMA Afternoon Prime!