'Makiling' cast, handa nang gigilin ang mga manonood sa kanilang serye

“Gigil na gigil” na humarap sa press ang cast ng bagong mystery revenge drama na Makiling sa ginanap na media conference ng programa noong Biyernes, January 5.
Ang mga bida ng serye at real-life Kapuso couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio, magkasunod na rumampa patungo sa venue suot ang kanilang revenge outfits.
Present din sa naturang event ang mga kontrabida ng Makiling - ang “Crazy 5” na sina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro.
Pasabog din ang iba pang cast kasama ang Kapuso actress na si Thea Tolentino, at ang mga batikang artista ng idustriya na sina Cris Villanueva, Mon Confiado, Andrea Del Rosario, Lui Manansala, Richard Quan, Bernadette Allison, at Lotlot De Leon.
Bago simulan ang panayam sa media, ipinasilip muna sa cast at sa miyembro ng press ang full trailer ng kanilang serye.
Dito ay hindi napigilan ni Elle na maiyak nang mapanood ang pasilip sa kanilang mga pinaghirapang eksena.
Balikan ang iba pang mga pangyayari sa media conference ng Makiling sa gallery na ito:






















