Top 7 scenes sa gigil finale ng revenge drama na 'Makiling'

Isang emosyonal na finale episode ang napanood sa pambansang revenge drama ng mga Pinoy, ang Makiling ngayong Biyernes, May 3.
Matapos ang sagad-sagarang paghihirap at pasakit na dinanas ni Amira (Elle Villanueva) sa kamay ng mga Terra at ng Crazy 5 ay nakamit niya rin ang inaasam-asam niyang hustisya.
Sa isa sa mga last episodes ng Makiling, nalaman na na ginagamit lang ni Magnolia (Lotlot De Leon) si Amira upang maghiganti sa mga Terra.
Sa paghihiganti ni Magnolia, namatay ang isa sa pamilya Terra na si Natalie (Andrea Del Rosario).
Ang leader ng grupong Crazy 5 na si Portia (Myrtle Sarrosa), ang siya mismong pumatay sa kaniyang mga kaibigan na sina Maxene (Claire Castro) at Oliver (Teejay Marquez).
Nagparaya na naman si Rose (Thea Tolentino) upang mabigyan ng second chance ang pagmamahalan ng kaniyang kapatid na si Amira at ng kaniyang fiance na si Alex (Derrick Monasterio).
Narito ang ilan sa importanteng mga tagpo sa gigil na finale episde ng Makiling:






