IN PHOTOS: Meet the cast of 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

Narito na ang bagong kuwento ng pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese sa Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Ito ang unang television series na base sa iconic Mano Po film franchise.
Magsisimula ang kuwento sa pagkamatay ng head of the family na si Edison Chan. Kasunod nito, magkakaroon ng power struggle sa pagitan ng dalawang mahahalang babae sa kanilang pamlya, si Cristine Chan at Valerie Lim.
Si Cristine ang kapatid ni Edison at tunay na utak sa likod ng matagumpay na business empire ng mga Chan. Si Valerie Lim naman ang common law wife ni Edison.
Dahil parehong babae, walang pag-asang mapunta sa kanila ang kontrol ng negosyo kaya may sari-sarili silang mga manok sa agawan sa mana.
Kung hindi mapupunta sa kanya ang negosyo, nais ni Cristine na manahin ito ng kanyang mga pamangkin na sina Anton, Joseph, at Kenneth.
Si Anton ang unang lehitimong anak ni Edison at ng kanyang legal wife.
Si Joseph naman ang panganay sa lahat ng anak ni Edison pero mula sa isang Filipina na nakarelasyon niya bago nag-asawa.
Si Kenneth naman ang pangalawang lehitimong anak ni Edison na lumaki sa Amerika.
Balak naman ni Valerie na makuha ang kumpanya sa pamamagitan ni Jameson, ang anak nila ni Edison.
Maiipit sa tagisang ito si Steffy, isang Binondo Chinese na magiging faithful assitant ni Cristine.
Bukod dito, makukuha pa niya ang atensiyon ng makapatid na Anton at Joseph.
Huwag palamapasin ang world premiere ng Mano Po Legacy: The Family Fortune sa January 3, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang mga karakter ng serye sa gallery na ito:









