GMA Logo Sunshine Cruz
What's on TV

Sunshine Cruz, first time mag-short hair para sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

By Marah Ruiz
Published December 16, 2021 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Cruz


Para kay Sunshine Cruz, dream come true ang mapasama sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune.'

Isang new look ang dapat abangan mula sa actress na si Sunshine Cruz sa upcoming GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Dream come true raw para kay Sunshine ang mapabilang sa serye dahil matagal na niyang pinapangarap na maging bahagi ng iconic Mano Po movies.

"It is a dream come true for me na makasama ako dito sa Mano Po [Legacy]. Before, pinapanood ko lang and I was always wondering bakit kaya hindi ako nabibigyan ng offer to be a part of the movie na Mano Po. Noong in-offer sa akin ito, talagang kulang na lang tumambling ako sa excitement," kuwento niya sa virtual press conference ng serye.

Kaya naman talagang tinanggap niya ang hamon at lubos na pinaghandaan ang role. Isa na rito ang pagpapagupit ng kanyang buhok. Sa kahabaan ng kanyang career, first time daw niyang magpagupit ng maikli.

"When they asked me na kailangan magpa-cut ng hair--siyempre magmula noong nag-start ako ng pag-aartista palaging long hair ako 'di ba--walang kaabog-abog, talagang I said sige, sure. Kung kinakailangan ganyan ang buhok, game na game ako. That's how excited I am," pahayag ni Sunshine.

Bukod dito, very happy din daw siyang makatrabaho at makilala ang cast ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

"To be able to work with my ninang Boots Anson-Roa, Miss Maricel Laxa, itong mga naggagalingan na mga kabataang artista, it is really a blessing and an honor for me," aniya.

Gaganap si Sunshine sa serye bilang Cristine Chan, ang tunay na utak sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Dahil isang babae, hindi siya magiging tagapagmana kaya sisikapin niyang mapunta sa tama at karapatdapat na mga kamay ang business empire na pinaghirapan niya.

Abangan ang bagong kuwento ng pag-ibig, pamilya at tradisyon ng mga Filipino-Chinese sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, ngayong January 2022 na sa GMA Telebabad.