GMA Logo David Licauco
What's on TV

David Licauco, hindi in-expect na mag-e-enjoy sa dramatic scenes

By Marah Ruiz
Published January 20, 2022 5:54 PM PHT
Updated January 21, 2022 11:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Hindi daw in-expect ni David Licauco na mae-enjoy niya ang paggawa ng mga heavy drama scenes.

Challenging daw para kay Kapuso actor David Licauco ang mga dramatic scenes niya sa Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Pero sa palagay niya, ito daw ang tipo ng mga proyekto na magbibigay sa kanya ng chance para makilala bilang isang seryosong aktor.

"'Yung 'Mano Po,' marami talagang nanonood eh. Wider ang audience talaga niya. I believe na mago-open siya ng doors for me when it comes to getting projects na mas mahirap," pahayag ni David sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Hindi rin daw in-expect ni David na mae-enjoy niya ang mga heavy drama scenes sa serye.

"To my surprise sa sarili ko, nae-enjoy ko talaga 'yung dramatic scenes. Hindi ko talaga in-expect sa sarili ko. Hindi ko in-expect na kaya ko. Mas nagulat ako na na-enjoy ko siya," aniya.

Nais daw kasi ni David na magbigay ng performances na hindi lang nakakakilig, kundi nakaka antig din ng damdamin.

"Siguro if you asked me a year ago, I would say gusto kong maging [aktor na] kinakakiligan, Okay pa rin naman sa akin 'yun, pero siguro gusto ko rin magkaroon ng mga parang John Lloyd Cruz type of teleserye or movie na romantic but at the same time, maraming drama," bahagi ni David.

Nakatanggap naman ng papuri ang aktor sa pagganap niya bilang Anton Chan, ang reluctant na tagapagmana sa Mano Po Legacy: The Family Fortune. Marami kasi nakapuna ng improvement sa acting ni David.

Masaya naman siya sa good feedback na natatanggap kaya ipinapangako din niyang marami pang magandang dapat abangan sa kanya at sa kanyang karakter sa serye.

Patuloy na panoorin si David bilang Anton sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.