
Due to insistent public demand, mapapanood na nang mas maaga ang GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Simula February 7, sa oras na 8:50 p.m. n'yo na matutunghayan ang pagpapatuloy ng kuwento ng pag-ibig, pamilya at tradisyon ng mga Filipino-Chinese.
Kasama ito sa mga sorpresang inihanda ng serye para sa avid viewers sa pagbubukas ng Year of the Tiger, ngayong Chinese New Year.
Bukod dito, may idinaos ding fan art contest, acting challenge, at iba't ibang live videos kung saan maaaring makipagkulitan sa cast ng show.
Tunghayan sa mas maagang oras simula February 7, 8:50 p.m. ang painit nang painit na kuwento ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Kilalanin ang mga artistang bumubuo sa GMA Telebabad series na ito: