
Malapit nang magtapos ang kinagigiliwang kuwento ng GMA Telebabad series ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Sa huling linggo nito, ibinahagi ni Kapuso actress Barbie Forteza kung ano ang mami-miss niya sa show.
Image Source: barbaraforteza (Instagram)
"Naku, mami-miss ko lahat. Sa totoo lang, mami-miss ko lahat ng mga nakatrabaho ko dito sa show na ito--from the cast to the production staff. Basically, the whole team of Mano Po Legacy: The Family Fortune, grabe, it was such a joy working with them. Yes, definitely, I'm gonna miss everyone," pahayag ni Barbie.
Samantala, lalong umiinit ang kuwento ng Mano Po Legacy: The Family Fortune sa huling limang araw nito.
Pinangangambahan ni Steffy, karakter ni Barbie, na patay na ang kaibigang si Myla (Kate Yalung) dahil nawawala ito matapos may maungkat na impormasyon tungkol sa kumpanya.
Pumayag na rin si Consuelo (Boots Anson-Roa) na isapubliko ni Anton (David Licauco) ang mga kasalanan ni Jameson (Nikki Co.)
Tumutok sa huling limang araw ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 pm sa GMA Telebabad.
Huwag din palampasin ang same-day replay nito mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm at Biyernes ng 11:00 pm sa GTV.