What's on TV

Almira Muhlach, proud sa "loka loka" scene sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

By Marah Ruiz
Published February 21, 2022 7:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News

Almira Muhlach


Nagpasalamat si Almira Muhlach sa suporta at papuring natanggap sa kanyang "loka loka" scene sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune.'

Isa na namang kahangahangang eksena ang ipinamalas ng aktres na si Almira Muhlach sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Komprontasyon ito sa pagitan ng karakter niyang si Elizabeth at ni Valerie, ang mistress ng kanyang asawa bago ito mamatay.

Nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa dahil may kinalaman si Elizabeth sa restraining order na inihain laban kay Valerie na pumigil sa kanya na makita ang kapatid na may kapansanan.

Sa eksenang ito, si Elizabeth ang nananig dahil nagawa niyang paluhirin si Valerie at nakunan pa ng video ang pagmamakaawa nito.

Ayon kay Almira, marami daw siyang natanggap ng mensahe matapos umere ng episode.

A post shared by 𝐴𝑙𝑚𝑖𝑟𝑎 𝑀𝑢ℎ𝑙𝑎𝑐ℎ (@almiramuhlach)

"Thank you to all who watched and loved this 'Loka Loka Ako' scene. Maraming salamat po to all who messaged me. My heart is full!" sulat niya sa kanyang Instagram account.

Almira Muhlach in Mano Po Legacy

Pinasalamatan din niya ang ka-eksena niyang si Maricel Laxa, na gumaganap bilang Valerie.

"Thank you also to my dearest angel @mommymaricel for always making our confrontation scenes memorable and fun behind the camera. I will miss your craziness, Valerie!!!" pagpapatuloy ng kanyang caption.

Panoorin ang buong "loka loka" scene sa pagitan nina Elizabeth at Valerie dito:

Limang araw na lang ang natitira bago matapos ang kuwento ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Huwag palampasin ang huling linggo nito, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 pm sa GMA Telebabad.

Panoorin din ang same-day replay nito sa mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm at Biyernes ng 11:00 pm sa GTV.