
Challenge daw para kay Kapuso actress Bianca Umali ang karakter niya sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.
Mas sanay daw kasi si Bianca sa larangan ng heavy drama kaya naninibago daw siya sa kaniyang very bubbly na karakter.
Dahil daw sa serye at sa kaniyang role, maraming bagong natutunan si Bianca tungkol sa larangan ng comedy.
"Ngayon ko napatunayan na siguro na-underestimate ko ang meaning ng comedy. Hindi siya pahinga from drama. It's something else. It's as good as doing something heavy like a heavy drama series. It's as good as that. Kakaibang animal din po ang comedy," pahayag ng aktres.
Kaya naman very thankful si Bianca sa guidance ng series director nasi Easy Ferrer.
Bianca Umali with Direk Easy Ferrer / Image Source: easyferrer (IG)
"Nag-prepare ako by always talking to my director, ang aking BFF na si Direk Easy. Palagi ko siyang kinokonsulta na 'BFF, paano ba 'yung ganito? Paano ba maging ganyan?' Ang hirap pala ng palaging masaya lang. Ang hirap pala ng palaging may energy," pagbabahagi ni Bianca.
Bukod dito, naaasahan din daw niya ang mga co-stars na madalas niyang maka eksena tulad nina Ken Chan, Kelvin Miranda, Pokwang, Jem Manicad, at Phi Palmos.
"Another thing that I do to prepare for the show is 'yung pakikipagkasundo at pakikiisa sa mga co-actors ko. Si Kelvin at si Ken, parehas ko silang makakatrabaho o makakatambal for the first time. 'Yung iba rin na co-actors, sina (Jem and Phi), si Mamang (Pokwang), ang saya saya," paliwang ni Bianca.
Abangan si Bianca bilang ang bubbly assistant na si Irene Pacheco sa romantic comedy series na Mano Po Legacy: Her Big Boss. World premiere na nito ngayong March 14, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang career highlights ni Bianca Umali dito: