
Bukod sa pagiging mabuting magkaibigan at co-stars, malapit na ring maging magkasosyo sa negosyo sina Bianca Umali at Ken Chan.
Balak kasi nilang magkasamang magtayo ng negosyo pagkatapos ng kanilang GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.
Ngayong gabi, June 2, mapapanood ang finale ng show.
Image Source: akosikenchan (Instagram)
Pinagpapaluhan na raw ng dalawa ang kanilang joint business venture.
"Mayroon kaming plano ni Bianca Umali. Actually, mayroon kaming gagawing business ni Bianca pero hindi pa namin alam kung ano. Kasi sabi namin after ng Mano Po, planuhin na natin," kuwento ni Ken sa ginanap na bloggers conference para sa finale ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.
Sa ngayon, hindi pa raw nila matukoy kung anong klaseng negosyo ang gusto nilang itayo.
"Ang dami naming pinagpiliian na mga business. Definitely, magkakaroon kami ng business ni Bianca. Hindi puwedeng hindi. Pinipili lang namin talaga kung ano 'yung swak sa aming dalawa," ani Ken.
Gusto raw kasi nilang planstahin muna ang mga detalye bago nila ito isapubliko.
"Yes, Kenny, matutuloy 'yan. Mashe-share namin sa inyo 'yung mga plano namin kapag na-execute na namin in time," lahad ni Bianca.
"Gusto namin, sure na sure na bago namin sabhin. But ngayon, ang masabai ko lang po is yes, magkakaroon. Bukod sa Cafe Klaus na sobrang masaya po ako, ito po, mayroon po akong pinaplano na [negossyo]," dagdag naman ni Ken.
Parehong nakapagtayo ng mga negosyo sina Bianca at Ken nitong pandemic.
Naitayo ni Bianca ang Contrast Social, isang analytics company at Transcend Studios, isa naman production house.
Inilunsad naman ni Ken ang kanyang restaurant na Cafe Claus at nagkapag-franchise din ng gasoline station.
Samantala, panoorin sila bilang boss at empleyadong may complicated relationship sa big finale ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!