GMA Logo The Flower Sisters
What's on TV

Beauty Gonzalez at Aiko Melendez, excited makatrabaho ang isa't isa matapos ang "rival progams"

By Marah Ruiz
Published September 23, 2022 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

The Flower Sisters


Unang beses magkakatrabaho nina Beauty Gonzalez at Aiko Melendez sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' matapos silang bumida sa magkatapat na programa noon.

Co-stars sina Beauty Gonzalez at Aiko Melendez sa upcoming series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Ito ang unang beses na magkakatrabaho sila lalo na at magkatapat ang kanilang afternoon soaps noon.

Matatandaang bahagi si Aiko ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, habang bahagi naman si Beauty ng well-loved na seryeng katapat nito sa ibang network.

"I'm excited to work with Beauty kasi magkatapat 'yung show namin [dati] so now magkasama na kami," pahayag ni Aiko.

Sa The Flower Sisters na pangatlong installment ng Mano Po Legacy series, gaganap sina Beauty at Aiko bilang magkapatid sa ama.

Si Aiko ay si Lily, ang panganay na anak ng family patriarch sa unang asawa at maaasahan sa negosyo ngunit labis ang higpit sa kanyang pamilya.

Si Beauty naman ay si Violet na anak sa pangalawang asawa na nagnanais mabigyan ng importansya sa pamilya kaya siya makikipagtagisan sa kapatid na si Lily.

"I'm really excited about it kasi ibang iba 'to sa lahat ng characters ko na nagampanan sa TV. I'm so excited to work with everyone especially with Aiko since dati magkalaban, magkatapat 'yung shows namin. It's fun kasi it's gonna be a lot of creative process talaga," lahad ni Beauty.

The Flower Sisters

Bukod sa kanila, bahagi rin ng show sina Thea Tolentino at Angel Guardian na gaganap din bilang mga kapatid nilang sina Dahlia at Iris.

Abangan ang pamumulaklak ng kuwento ng Chua sisters sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, October 31 sa GMA Telebabad.