
Maghanda sa fiercest sibling rivalry na masasaksihan sa upcoming GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Tungkol ito sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya-kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.
Sa full trailer na inilabas ngayong gabi, October 19, mas makikilala na ang mga tauhang bubuo ng kuwento ng kasakiman, ambisyon at shocking family secrets.
May patikim ang serye sa mga eksenang dapat abangan dito tulad na lang ng banggan nina Lily (Aiko Melendez) at Violet (Beauty Gonzalez) at ang lalong paggulo ng kanilang pamilya sa pagsulpot ng mga kapatid nilang sina Dahlia (Thea Tolentino) at Iris (Angel Guardian).
Isang misteryo rin ang ipinasilip sa trailer--sino ang hooded figure na tila hinahabol nina Lily at Violet sa Cresmont?
Silipin ang mas pinalaking pagbabalik isang successful legacy sa telebisyon, Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE DITO: