GMA Logo Will Ashley
Image Source: willashley17 (Instagram)
What's on TV

Will Ashley, gaganap na mama's boy sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'

By Marah Ruiz
Published October 29, 2022 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider shot dead in Taguig ambush; 2 friends nabbed
5 cops relieved over robbery probe in Porac
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


Naninibago raw si Will Ashley sa kanyang karakter sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters.'

Isa si young Kapuso star Will Ashley sa mga young actors na bahagi ng ensemble cast ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Gaganap siya sa serye bilang Andrew, ang bunsong anak ni Lily Chua na karakter naman ng beteranang aktres na si Aiko Melendez.

"Ang role ko po dito ay si Andrew. Siya po 'yung mama's boy. Gusto niya, buo lagi 'yung family niya. Mapre-pressure siya kasi ng mommy niya na lagi siyang perfect. Siguro ang dapat nilang abangan kung anong maiisip niya--kung magiging mabuti pa rin siyang anak o magiging bad boy na siya anak in the end," paglalarawan ni Will sa kanyang karakter sa isang eksklusibong interview ng GMANetwork.com.

Kagagaling lang ni Will sa isang matagumpay na GMA Afternoon Prime show na The Fake Life kaya naninibago raw siya sa karakter niya ngayong sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

"Sobang masaya 'ko kasi magkasunod 'yung shows. Noong una medyo naninibago talaga ako doon kasi magkaibang character. 'Yung isa sobrang heavy tlaaga siya. Heavy din naman po 'to pero 'yung sa [The Fake Life], 200% 'yung taas ng enrgy lagi doon," bahagi ng aktor.

Malaking tulong naman daw para sa kanya ang mga direktor ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters na sina Ian Loreños, Xion Lim at Nick Olanka.

"Kapag nagte-taping kami, nagtatanong ako kina direk kung okay ba 'yung nabibigay ko kasi parang naninibago nga po ako. Lagi akong nagtatanong sa kanila kasi dito po tinry ko siyang babaan kasi nga si Andrew, sensitive siya," lahad ni Will.

Gayunpaman, handing-handa na raw si Will na maging bahagi ng isang kaabangabang na teleserye.

"Unang-una, nagpapasalamat ako sa tiwala na binigay nila sa akin. Naniniwala po sila sa kakayanan ko, sa pag-arte ko, kaya ako nandito ako para ibigay 'yung 100% best ko. I'm thankful to GMA and to Regal sa pabibigay ng opportunity sa akin," aniya.

Image Source: willashley17 (Instagram)

Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay tungkol sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.

Bukod kina Will at Aiko, bahagi rin ng serye sina Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, Angel Guardian at marami pang iba.

Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE RITO: