GMA Logo Paul Salas and Mikee Quintos in Mano Po Legacy
Image Source: paulandre.salas (Instagram)
What's on TV

Mikee Quintos, nalilimutang maging sweet kay Paul Salas sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'

By Marah Ruiz
Published October 29, 2022 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas and Mikee Quintos in Mano Po Legacy


Nagkatrabaho na noon sina Mikee Quintos at Paul Salas pero ang 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' ay first series nila as a couple.

Magkasama sa upcoming family drama series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters ang Kapuso couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas.

Bukod sa isang episode ng weekly anthology na Regal Studio Presents, ito ang unang beses nilang magkatrabaho matapos maging magkarelasyon.

"We first worked together sa The Lost Recipe," pahayag ni Mikee sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

"Pero as a couple talaga, itong pong Mano Po Legacy [ang una naming serye together.] Sobrang nakaka enjoy," dagdag ni Paul sa parehong panayam.

Aminado si Mikee na hindi siya sanay na kasama ang kanyang kasintahan sa set.

"While you're on set, sanay kami dati na hindi iniisip 'yun, na work work lang. Nase-sense memory ko 'yun na nothing, work lang so minsan nakakalimutan kong maging malambing kasi napapa-work mode," paggunita ni Mikee.

"Ako 'yung mas clingy eh," biro ni Paul.

"Ayan, nagtatampo tuloy," sagot naman ni Mikee.

Pero ayon naman kay Paul, malaking tulong daw sa kanyang pag-arte na kasama niya si Mikee sa set at sa mga eksena.

"Hindi lang 'yung character mo 'yung inissiip mo. Gusto mo rin tulungan 'yung girlfriend mo, 'yung character niya. Sabi ko nga sa kanya noong nag-uusap kami every after taping na sobrang saya paala noon ganito nating relationship dahil natutulungan mo ako sa character ko, natutulungan din kita," kuwento ng aktor.

Dagdag din ni Mikee na itinuturing niya ang karanasan na ito bilang malaking pagkakataon makaipon ng iba't ibang lessons hindi lang sa kanyang showbiz career kundi pati na sa kanyang personal na buhay.

"Dating someone sa work, may pros and cons talaga but it depends on the couple kung ano 'yung mas paparamihin nila. Puwedeng mas maraming cons sa pros pero it's up to the both of you if you talk about it properly and just be honest about how you feel, diretsuhan niyong maaayos together 'yung struggles. It can be fun. That's why I can call it an opportunity--it's also an opportunity to grow," aniya.

Image Source: paulandre.salas (Instagram)



Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay tungkol sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.

Bukod kina Mikee at Paul, bahagi rin ng serye sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, Angel Guardian at marami pang iba.

Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE RITO: